Monday, May 21, 2012

White Race, Superior Race?

Sa mundong ito, kung ano ang nakamulatan ay siyang itinuturing na katotohanan at superior na karunungan. Tulad na lamang ng paniniwalang ang white race ang superior race. Dahil ating nakita na sila ang nagdala sa atin ng karunungan at technologia.

Dahil sa naturang ‘superiority complex,’ pumasok sa ating psyche na ang aryan race – na itinuturing nating lahing puti, ang siyang nagdala nang kautusan at technologia sa sangkatauhan. Dito ngayon pumapasok ang Aryanism, na kapag ang isang tao’y lahing puti, mataas ang estado niya sa lipunang kanyang ginagalawan.

Ang salitang Aryan ay galing sa sanskrit na arya, -- pangalan ng (mga) tribu, na nagmula sa sinaunang lahi, (prehistoric people). Ito ay tumutukoy sa maraming tribu na may iisang lenguage na tinatawag na Indu-European. At hindi tumutukoy sa isang partikular na lahing puti. Kaya ang nasabing pangalan ay walang validity na tumutukoy sa isang partikular na lahi.

Ang pag-ARYANIZE, sa mundo ay nagsimula sa kasaysayan 7,000 yrs. B.C. Kung saan sinasabi sa alamat, na ang sun god Vivasvan ay pinaliwanag kay Manu – na ama ng sangkatauhan, ang tamang ‘code of conduct’ na dapat sundin ng tao. Kung saan ang nasabing batas ay isinaysay naman niya sa kanyang anak na si Iksvaku. Na pinagtibay naman ng lahat na dakilang acharyas, (spiritual masters) sa pamamagitan ng disciplic successesion. 

Ito ang malinaw na dahilan kung bakit si Lord Shiva (Aryan ang ama at Tibetan ang ina.) ay itinuring lamang bilang isang demigod. Sapagkat ang dapat lamang kilalanin bilang Supreme Godhead, ay yaon purong lahing Aryan na tulad ni Sri Krishna.

Sangayon pa rin sa Code of Manu, ang naturang batas ng sangkatauhan, ay ipinahayag na noong pang panahon. Kaya nararapat itong sundin sa pamamagitan ng disciplic succession. Dahil kahit ang isang taong pinaka-matalino, ay malilito sa tamang pagpapatupad nang nasabing alituntunin. Sapagkat sila’y walang tamang kaalaman sa mga bagay na pang-religion. Kung gayon, ang taong susunod sa kautusan ng Manu, ay hindi kailanman maliligaw.

Sinasabi rin dito na ang babae ay hindi kailangang bigyan ng Kalayaan. At kahit gawing kapantay ang karapatan ng babae sa lalaki, ito’y hindi makakatulong sa pag-unlad nang mabuting social condition ng mundo. Ang tamang paliwanag hinggil dito, ay sa ibang bahagi na natin ipagpapatuloy.

Ang Aryanism ay lalong natanyag dahil sa masamang paggamit ni Hitler sa nasabing termino. Ginamit nila ito, upang ALISIN ang mga non-Aryan elements, tulad ng mga lahing Jewish. Na siya nating nakitang naganap sa nakaraang WW-II.


NAZIS  OCCULT  CONNECTIONS

Pangkaraniwang itinutugma ang salitang NAZISM sa ideolohiyang FACISM – isang ideolohiyang nagsasaad na ang isang bansa ay uunlad lamang kung ang industriya bagamat privately owned ay kontrolado ng estado. Binibigyan diin din ng ideolohiyang ito na kailangang ang isang bansa ay handang makipagdigma kaninuman upang makamit ang pambansang interes. At isinisik rin nito sa kaisipan ng mamamayan ang ultranationalize o abot-langit na pagkamakabayan. Dahilan kung bakit ang isang bansa sa ilalim ng idiolohiyang ito ay war-like.

Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan ang Nazism ay konektado o may koneksyon sa Diabolic Occultism.

Ang ugat ng okultismo ng German Fascism ay matatagpuan noong kalagitnaan ng ika-labinsiyam na siglo. Ito ay nasa pamamagitan ng isang lalaking nagngangakang Guido Von List na ang pagsasamba sa Nordic god na si Votan ay hinaluan niya ng Teutonic racism -- na walang iba kundi ang Aryanism.

Noong taong 1875 si von List at ang kanyang disipulo ay gumawa ng kanilang emblem o simbulo para sa kanilang superstitious bigotry o kaululan. Ito ay ang SWASTIKA na sagradong sagisag sa mga ancient Greeks, early Christians, Hindus, Buddhist, at maging sa rock paintings ng mga Native American tribes.

Nang dumating ang taong 1908 ay lalong lumago ang mga disipulo ni von List na nagtuturo ng pagkakaroon ng isang Aryan master race. Nagkalat na sila ngayon sa buong Kanlurang bahagi ng Europe .

Isang taon bago ang kaganapang ito ay itinatag naman ni Georg Lanz von Liebenfels ang Ordo Novi Templi o Order of the New Templars. Bilang matalik na kaibigan ni Guido von List ay inihahayag ni von Liebenfels na dapat ay ikulong at gawing baog through forced sterilization ang mga tinatawag na mababang uri ng mga lahi o ‘socially inferior elements’ tulad ng mga Jews o hudyo, Gypsies, Slaves at maging ang mental defectives.

Taong 1909 nang bumisita sa opisina ng Ordo Novi Templi ang isang tagahanga ni von Liebenfels; ito ay walang iba kundi si Adolf Hitler. Mula sa pakikipagkitang ito ni Hitler at von Liebenfels ay namuo ang kanilang pagiging magkaibigan. Na pinaghukbo ng isang hangarin. Ito ay upang makapagtatag ng isang Master race empire.

Ayon pa nga kay Liebenfels; “Hitler is one of our pupils. One day you will experience that he and through him we, will one day be victoriuos and develop a movement that will make the world tremble.” Thus born Hitler’s dreaded Nazi party na siyang nagpasimula ng World War II.

Nang dumating nga sa rurok ng kapangyarihan si Hitler ay hinango niya ang ‘right-handed’ swastika symbol na ginawa naman ni von List. At ito ay pinalitan niya ng ‘Left-handed’ swastika. At dahil ang Germany ang hot-bed ng occultism noon sa Europe , sinakyan ito ni Hitler at pinaniwala silang ang Aryan race -- ang pure race, ang nagbuhat sa lumubog na Atlantis. Kung saan ang mga sinasabing nakaligtas sa naturang delubyo, ay nakarating sa Germany .

Mula sa swastikang ito ay naglitawan naman ang iba’t-ibang occult symbols sa Nazi Army.

Isa sa mga pinakakilalang simbolo ay ang runic lightning bolts na ginamit ng SS o Schultzstaffen Corps.

Makalipas ang ilang taon nang magwakas na ang World War II ay nabatid naman ng New York Police Dept. na may isang gumagalang satanic cult na gumagamit ng SS lightning bolt insignia, na ang tinatanggap lamang na mga kasapi ay purong lahing Aryan. Bukod dito ay mayroon silang code system na ginagamit. Sa code system na ito ay binilangan nila ang mga letra ng alphabet ng A-100 at hanggang Z-125. Na kapag ginamit mo ang system na ito sa mga letra ng huling pangalan ni Adolf Hitler, ang kalalabasang total kapag in-add ay six hundred and sixty six… the number of the beast!



SATANIC  NUMEROLOGY


A
100
G
106
M
112
S
118
Y
124
B
101
H
107
N
113
T
119
Z
125
C
102
I
108
O
114
U
120


D
103
J
109
P
115
V
121


E
104
K
110
Q
116
W
122


F
105
L
111
R
117
X
123




H-107
I-108
T-119
L-111
E-104
R-117
   666




Helena Petrovna Blavatsky:

Si Madam Blavatsky, kung saan siya mas kilala na ang tunay na pangalan ay Helena Petrovna Hahn ay ipinanganak noong August 12, 1831, sa Ukraine , Russia . Siya’y isang magandang bata na dark hair na may matang bright blue eyes. Mula pa sa kanyang pagkabata, nagpakita na siya ng interest sa mga fantasia at make-believe. Isa sa sinasabi niya sa mga kalaro na mayroon siyang hindi nakikitang kaibigan na tinatawag niyang “hunchbacks.” At isinasama siya sa mala-paraisong lugar na ang lagusan ay sa kisame ng kanilang bahay. (Ang isang taong kuba, ay character na karaniwan isinasalarawan sa fairy tales). Kadalasan siyang nagsasalita at naglalakad kahit tulog. Makikitang siya’y isang magaling na storyteller, kaya sinasabing ang makatotohanang estorya niyang make-believe ay maraming batang nag-hallucinate dahil nadadala sa kanyang pakikinig. Masasabing mapusok at may katigasan ang kanyang ulo, sapagkat ilang linggo pagkaraan ng kanyang ika-seventeeth birthday, nagpakasal siya sa isang Nikifor Blavatsky, isang government official na tatlong beses ang katandaan sa kanya. Na hindi naglaon ay nagkahiwalay din. Pagkaraan lamang ng ilang buwan, muli siyang nagpakasal sa iba. Ngunit yaon nang Madame Blavatsky ang palagi niyang ginagamit.

Habang bata pa, naganyak siyang mag-lakbay sa iba’t-ibang panig ng mundo at mga adventurang magiging kaakibat niya habang buhay. Kung saan sinabi niya pagkaraan na siya’y nanggaling sa Tibet at nanirahan duon ng pitong taon. At nag-aral ng ancient wisdom ng mga Hindus. (hindi kaya dapat ay ancient wisdom ng mga Tibetan?) Sa bawat pag-uwi niya sa Russia , napapansin ng kanyang mga kapamilya na siya’y pataba nang pataba – hanggang umabot siya ng 230 pounds . Ang isa pang ikinagulat ng kanyang mga kasama’y ang pagigi niyang maingay, maharot at pamumusong sa mga banal na bagay. Kahit saan siya pumunta ang mga tao’y nahahalina sa mapangakit niyang personalidad.

Noong 1873 pumunta si Madame Blavatsky sa United States kung saan kainitan ang mga tao sa Spiritualism mania, at  katulad nito na tinatangkilik ng tao tungkol sa pangitain ni Ignatius Donnelly na Atlantis.

Nitong 1875, sila’y nagkatagpo sa New York ni Henry Steel Olcott, isang dating kasapi ng committee na nagsisiyasat tungkol sa assassination ni President Lincoln . Kung saan nakisali siya sa ginagawa nitong psychic investigation . Dito kinumbinsi siya ni Blavatsky na hindi lamang isang pagkakataon ang kanilang pagtatagpo. Bagkos nangyari ito dahil dati na silang magkasama sa isang secret order of cosmic masters (isang samahan kung saan kabilang sina Jesus, Buddha, Confucius, Solomon, at Plato).


Kaya magtatatag sila ng isang samahang tatawaging Theosophical Society, hango sa salitang Greek na “god” at “wisdom.” Kung saan ang hangarin ng samahan, na pagkaraan ay umakit ng maraming tagasunod, ay ang magsaliksik sa ancient mysteries, tulad ng hiwaga ng mga pyramid at ang kalagayan ng mga tao noong mga sinaunang panahon.

Kung saan ang pinakapinuno nang lumalagong samahan na si Madame Blavatsky, ay gumawa para sa Theosophical Society nang isang pangunahing aklat na tinatawag na The Secret Doctrine, na natapos noong 1888. Sa ginawa niyang ito na may dalawang volume na occultong aklat, na sinasabi niyang itinuro ng mga espiritung silanganin na tinatawag na Mahatmas ay inihayag sa kanya ang kasaysayan ng Atlantis at Lemuria.

Sa dakong huli, ipinaliwanag ni Madame Blavatsky at ng kanyang mga kapanalig, na ang continenteng Lemuria ay bahagi ng universal philosophy kung saan hinango ang maraming Western at Eastern na katuruan.

Sangayon pa rin kay Madame Blavatsky at sa kanyang taga-sunod, ang mga Lemurians ay ikatlo sa pitong “root” races ng sangkatauhan. At ang continente ay sumasakop sa kabuan ng Southern Hemisphere, ay original na hermaphrodite ang kalagayan kung saan sila’y nakikipagtalastasan sa pamamagitan ng psychic powers na gamit ang 3rd eye.

Ang fourth race na sinasabi niyang Atlanteans – na lahing puti, ay nagbuhat sa lahing Lemurians. Nang ang Lemuria ay lumubog sa ilalim ng dagat million taon na ang nakararaan; nanirahan sila sa dulo ng Lemuria sa bahaging northern Atlantic kung saan ito’y lumubog din, hanggang sa tuluyang maglaho noong 9,000 taon na ang nakararaan. Naniniwala si Madame Blavatsky na ang mga nakatakas mula sa naganap na delubyo ay nakarating patungong Central Asia , kung saan sila nag-evolved bilang maka-bagong Hindus at Europeans. Ito ngayon ang kasaysayang sinakyan ni Hitler na sa Germany humimpil ang paglalakbay ng mga Atlanteans.

Suriin natin ngayon ang Secret Doctrine na sinasabing inihayag ng mga Mahatmas kay Madame Blavatsky: Ang Secret Doctrine ni Madam Blavatsky, ay original na nalimbag sa dalawang volume noong 1888. Ang unang volume ay pinangalanang Cosmogenesis, ang ikalawang volume naman ay Anthropogenesis. Ito’y influential example ng revival sa interest sa esoteric at occultum kaalaman sa maka-bagong kapanahunan. Sapagkat sapagkat inaangkin nito na ang nasabing kasulatan ang siyang magbabalik sa naglahong ancient eastern wisdom. Kung saan sinasasabi ni Blavatsky na ang kasaysayan at spiritual na karunungan ay inihayag sa kanya ng mahatmas.

Ipinaliwanag niya na ang kanyang cosmic masters ay dumatig mula sa ibang panig ng universe upang i-supervise ang sangkatauhan, kung saan naka-base ang mga ito sa Atlantis. Pagkaraang magunaw ang nasabing islang continente, ang mga ito’y nag-retreat sa tagong valley sa kabundukan ng Himalayas , kung saan pinanunuod nila ang pag-unlad ng mundo. Inangking rin niya na ang mga Mahatmas ay tinuruan siya sa luob ng maraming taon sa Tibet at India at na-initiate sa occult mysteries. Marami daw siyang masters ngunit ang pinaka-especial at sina Kuthumi at El Morya, na meron “astral” bodies na napakita sa kanya. Ang mga ito’y may mataas na karunungan at malakas na psychic powers na siyang taga-pangalaga ng mahiwagang “ancient wisdom.” Dito inihayag sa kanya ang nasabing karunungan sa luob ng 20 taon. Kung saan siya’y inatasan na akayin ang tao sa bagong yugto ng spiritual enlightenment, dedicated sa universal brotherhood. Na pag-aralan ang natatagong psychic powers ng tao at dalhin ang pilosopia ng silangan sa kanluran.

Pagkatapos nito, noong 1878 Blavatsky, Olcott at W. Q. Judge na nag-found ng Theosophical Society sa New York City, ay lumipat sa India. Dala ang kanilang gawain at pilosopia, ay muling nagtatag ng Oriental philosophy at religious ideas, sa malaking babasahin na The Theosophist, isang magazine na itinatag ni Blavatsky kung saan siya rin ang editor.

Sangayon sa kanilang katuruan; ang Theosophy, o divine wisdom ay tumutukoy sa mysticism ng mga philosophers na naniniwala na mauunawaan ang kalikasan ng Dios sa pamamagitan ng direktang pang-unawa na hindi hayagan. At tumutukoy sa esoteric at eclectic collectors ng mystical at occult philosophies na hango sa dakilang lihim ng ancient wisdom.

Ngunit kung ating susuriin ang sinasabi nilang ancient wisdom, na kanilang ipinangangalandakang ihahayag na galing pa raw sa mahatmas na cosmic masters at nagbuhat pa sa ibang galaxy, ay makikitang inipon na mga pinagtagni-tagning kasulatan lamang ng Hindu, Egyptian, Gnostic at iba pang exotic na katuruang tulad ng neo-Platonism at mga alamat tulad ng kasaysayan ng Atlantis. Ano kayang bago rito? Sapagkat kung ang pahayag ng mahatmas na ito’y galing pa sa ibang galaxy, dapat lalabas na ang naturang karunungan ay wala pa sa mundo.

At ang pangunahing hangarin nila ay magkaisa ang lahat ng religion, secta, at bansa sa ilalim common system ng ethics, base sa eternal varities.

Si Blavatsky ay hinangad na maglimbag nang ikatlo at ikaapat na aklat ng The Secret Doctrine. Pagkaraan ng kanyang kamatayan, isang controversial na ikatlong aklat ang lumabas na ipinalimbag ni Annie Beasant.

Although, sinasabi ni Blavatsky sa kanyang aklat na The Key to Theosophy:                                      

"All men have spiritually and physically the same origin, which is the fundamental teaching of Theosophy" and that "mankind is essentially of one and the same essence."

Siya’y makikitang taga-pagtaguyod ng Aryanism. Dahil sinabi niya sa The Secret Doctrine na ang “sangkatauhan ay malinaw na nahahati sa pinagpala ng bathala, mababang uri ng mga nilalang, at mala-hayup na kinapal. Na malayo ang pagkakaiba sa karunungan ng mga Aryan at ibang sibilisadong bansa.” Itinuring niyang mga savages ang mga tao sa south sea sa Pacific. At ang semi-animal na mga nilalang ang mga Tasmanians, Australian bushmen at ang mga tribo sa kabundukan ng China . Dahil ang mga babae at lalaki ruon ay nababalutan ng makapal na balahibo. Ang mga ito ang huling lahi ng mga semi-animals na nilalang sa Lemuria. Kaya ang mga nilalang ng ito’y walang ‘sacred spark’ na galing sa Dios. Na nangangahulogan lamang na walang kaluluwa ang mga nasabing tao. (Ganito nga kaya nilalang ng Dios ang tao?)

Kaya sa katotohanan, (sangayon sa kanya) ang sangkatauhan ay ‘iisang dugo,’ ngunit hindi sa esencia. Dahil tayo lamang (isinama niya ang kanyang sarili) mga Aryans bilang ang may masidhing kaalaman ang may nahihimlay na sacred spark. Lagi rin niyang iniuugnay sa lahat niyang ginawa ang physical race sa spiritual attributes.
 (The Secret Doctrine,  Vol.2 pp 195-6; p 421)


Ngayon, anung uri ng katuruan ito na sa isang aklat ay sinasabi niyang ang tao’y may iisang essence. Ngunit sa kabilang aklat (The Secret Doctrine) na kanyang isinulat ay kabaliktaran naman ang kanyang sinabi na ang tao’y hindi iisang essence? Karapatdapat bang pagkatiwalaan ang ganitong bagay?

Inaangkin ni Blavatsky at ng kanyang mga taga-sunod, na magaling ang kanyang karunungan at psychic powers. Ngunit nang siya’y suriin ng Society for Psychical Research, wala siyang naipakitang katibayan sa kanyang mga sinasabing taglay na kapangyarihan. Tulad halimbawa na lamang ng mga sinasabing aklat na lilitaw mula sa ibang dimension. Maging ang materialization ng dalawang cosmic masters niyang si Kuthumi at El Morya ay natuklasang gawa-gawa lamang nila. Sangayon kay Blavatsky, ang mga aklat na ito ay kanyang hinihiram mula sa dimension. Na kanyang kinukupya at saka muling nawawala para bumalik sa kanyang pinagmulan.

Dahil sa naturang lambong nang paghihinala, umalis sila ng India noong 1885. Kung saan inakusahan sila ng faking materializations at ang mga katuruang sinasabi niyang buhat sa kanyang mga masters. Mula nuon, nagkaruon na siya ng mga malubhang sakit na kanyang ikinamatay sa London noong 1891 sa edad na 60.

Sapagkat kung inyong mapapansin sa kanyang mga isinulat, walang bahaging Tibetan kang makikita rito. Ang kanyang mababagsik na critiko ay itinuturing si Madam Blavatsky na isang matalinong impostor sa kasaysayan. Ang kanya namang matapat na mga taga-sunod ay itinuturing siyang isang santa at genio. Ngnit anu man ang kanyang motibo sa mga bagay na ito’y siya lamang ang nakaaalam.


Sino si Kuthumi at El Morya:

Sangayon kay Blavatsky, sa lahat na mahatmas na nagturo sa kanya ng ancient wisdom, ang dalawang ito, (Kuthumi at El Morya Khan) ang pinaka-especial. Kung saan sa pamamagitan ng astral body ito’y na-materialize sa kanya. Ngunit tulad nang naganap sa India , wala silang naipakitang materialization ng sinasabing astral ng dalawang cosmic masters. At kung terminong mahatmas (sanskrit term na ang ibig sabihin ay dakilang kaluluwa) ang pag-uusapan, wala kang makikitang mahatmas o sanskrit names na ganito. Bagkos ang Kuthumi ay parang pangalang Japon at ang El Morya Khan ay Spanish na Mongolian.

Ngunit kung papansinin natin ang dalawang co-founder na ito ni Madam Blavatsky na sina Henry Steel Olcott at W. Q. Judge, ay mapapansin na may kaugnayan ang dalawang ito sa sinasabi niyang cosmic masters. Maging ang pangalang Olcott ay parang Ol-cotthumi. Na lumabas lamang sa buhay ni Blavatsky ang dalawang especial masters na ito, sa panahong na-meet niya ang dalawang co-founder. Sabi nga niya: Dumating na ngayon ang dalawang cosmic masters na buhat sa ibang panig ng universe.

Tulad nang nabanggit sa unahan, na sinabi ni Blavatsky na si Olcott ay kasapi sa order of the masters, na kinabibilangan ni Jesus, Solomon, at Plato. Bilang isang master makikitang may titulo siyang master K.H. chohan of the second rays. Na kung susuriin ay Kuthumi Henry at naniwala siyang ang past-life niya’y si Kuthumi na Chohan (Tibetan word for lord) of the second rays. Kung saan si Kuthumi ay may past-life na King Balthazar, na hari ng Ethiopia at sinasabing dumalaw kay Jesus.

Ang isa pang napaniwala ni Blavatsky ay si W.Q. Judge na reincarnation naman daw ni King Melchior, na hari ng Arabia . Kung saan tinatawag niyang master El Morya Khan. Na dapat mapansin na ang Q = K sa pangalan ni Judge, kung saan hinango ang pangalang El Morya Khan, chohan of the first rays.


Ngunit sangayon sa kasaysayan; ang nasabing mga hari na naging kasapi nila Jesus ay hango sa isang hari ng Ethiopia na naging Kristiano noong 300 A .D. At ang pangalang Balthazar ay idinagdag na lamang noong 500 A .D. at walang tunay na kaugnayan sa magi na dumalaw kay Jesus. Kung gayon dahil ang King Balthazar ay fictitious characters, lalabas na ang reincarnation ni Kuthumi o Henry Olcott at W. Q. Judge na si El Morya Khan ay walang katotohanan. Na sa katotohanan ay mga inimbentong pangalan lamang noong 500 A .D. para lamang mapunuan ang ‘gap’ sa Biblia.




Book of Dzyan:

Ang The Secret Doctrine ni Blavatsky na sinasabing inihayag sa kanya ng mahatmas, ay makikitang kinupya sa aklat ng Dyzan – isang Buddhist literature, na isang malabong porma ng paglalang ng universe. Inaangkin din naman niya na ang nasabing kasulatan ay nakita niya sa panahong nag-aaral siya ng esoteric lore sa Tibet . Kasama pa ang ibang matatandang kasulatan na binabantayan nila. Kung saan ito’y nasusulat sa sagradong lenguage na tinatawag na Senzar.
She wrote:
This first installment of the esoteric doctrines is based upon Stanzas, which are the records of a people unknown to ethnology; it is claimed that they are written in a tongue absent from the nomenclature of languages and dialects with which philology is acquainted; they are said to emanate from a source (Occultism) repudiated by science; and, finally, they are offered through an agency, incessantly discredited before the world by all those who hate unwelcome truths, or have some special hobby of their own to defend. Therefore, the rejection of these teachings may be expected, and must be accepted beforehand. No one styling himself a "scholar," in whatever department of exact science, will be permitted to regard these teachings seriously.


Ngunit bakit nuong siya’y nasa Russia , na ipinamamalita niyang galing siya sa Tibet , ay ‘di niya nababanggit ang nasabing kasulatang? Pagdating na lamang niya sa U.S. , nang isulat niya ang The Secret Doctrine?



Ngunit masasabi nga kayang tunay na white race ang superior race? Saan naman nanggaling ang kanilang karunungan at technologia? Kung sasaliksikin nating ang Wisdom of the God’s, mababatid natin ang Ganap na Katotohanan