Thursday, November 17, 2011

Multo, Totoo ba ang mga Ito?

Sa maniwala man o hindi ang tao, maraming mga bagay o mga pangyayari ang hindi maipapaliwanag kung ang pagbabasehan ay yaong pisikalidad lamang. May mga pangyayari sa mundo at kahit sa unknown outer space na nananatiling nakatago sa hiwaga magpahanggang sa kasalukuyan, ang tawag dito ay phenomena.
Kasama na rin dito ang tungkol sa multo, opo totoo ang mga multo, ito ay bahagi ng kanilang negative existence kung saan ang kanilang kaluluwa o diwa ay nako contain sa isang lugar o bagay kung saan sila masyadong na attached katulad halimbawa ng mga taong masyadong na attached sa occultism.
Bigyang pansin natin ang mga bahay o kalsada na tila baga pinamamahayan ng mga multo o negatibong puwersa na maaaring magdulot ng kakaibang impluwensya sa mga taong mahina ang force field.
Ang pangyayari sa isang bahay sa Bulacan ang maaaring makapagpatunay na may mga bahay na talagang pinamumugaran ng mga ganitong entity; ang pangyayari ay nag-ugat sa pagkakaroon ng paulit-ulit na scene o insidente ng pagpapatiwakal. Ayon sa kasalukuyang nakatira ang bahay na ito ay maka tatlong ulit na umanong nagkaroon ng tatlong pangyayari na ang tumira rito ay nagpakamatay kahit hindi naman masasabing napakabigat na ng problemang kanilang dinadala, bagaman iba-iba ang pagtingin o pananaw natin sa mga suliranin ng buhay.
sa ganitong pangyayari ng paulit-ulit na occurrence ng pagpapatiwakal ay masasabi kong nandun pa rin at nananatili ang pretajuniis na patuloy na nang aakit ng mga taong depressed at may mahinang force field sa kanyang katauhan.
Q. Ano ang dapat gawin kung ang inyong tahanan ay pinaghihinalaan niyong may ganitong kakaibang vibrations?
A. Kailangang mag imbita ng mga taong may kakayahang wasakin ang nabuong entidad sa pamamagitan ng meditation, sapagkat habang ito'y nakakapag dagdag ng mga biktima, lalong lumalakas ang kanilang impluwensya sa mga tao kaya mapapansin natin na parang nag e-evolve ang kanilang negative effects.

No comments:

Post a Comment