THE MEANING OF LIFE:
HM-19 Oct 2011
LIFE without a cause is meaningless. In different individuals, life had level of perspective. According to what brain hemisphere (right prefrontal cortex or left prefrontal cortex) is active. Katulad ng mga taong nakatingin sa isang napakagandang tanawin. Bagaman iisang tanawin ang pinagmamasdan ng buong grupo, iba’t iba naman ang tingin doon ng bawat isa. Sapagkat bawat indibiduwal ay nakatingin mula sa magkakaibang anggulo. Bawat isa ay may kaibang activong hemisphere ng utak. Kaya’t makikitang magkakaiba ang kanilang pananaw sa kahulogan ng buhay.
Kung ang buhay ay walang kahulugan. Sapagkat sangayon sa sciencia, itoý aksidenteng nangyari sa universe dahil sa gravitional force, anu’t pinahahalagahan natin ang human existence. Kung saan pinuprotektahan at pinangangalagaan ang ating sarili, at na-acquire ng yaman. Na alam nating sa paglipas ng panaho’y ‘di naman madadala sa paglalakbay sa transition of life. Na siyang karaniwang makikita sa mundo, dahil sa kanyang pagiging egocentric. Ang kanyang isipang ay nai-imbalance kung saan itoý na-turn sa pagiging narcistic.
Makatarungan bang masasabi na ang buhay sa mundo ay hindi magka-level ang mga tao. Ating nakikita na may marunung at mangmang, may mayaman at mahirap? At anu naman ang gantimpala ng buhay kung walang Dios, at aksedente lamang itong naganap? Gaya ng mga taong nanlupig sa digmaan, nang api ng mga tao. Naging makapangyarihan at nagtamasa ng yaman. Pa’pano ito masasabing balance sa universe kung walang kataastaasang KAMALAYANG namamahala rito. Lalabas na ang tao ay nabuhay lamang para maging masaya at magtamasa ng yaman. Kahit na ang kapalit nitoý apakan, apihin o patayin ang hahadlang sa kanilang kagustuhan. Masasabi bang balanse ang ganitong uri nang pamumuhay ng tao sa sandaigdigan, kung walang umiiral na kahulugan ng buhay?
Kung ang tao ay may batas upang mapabuti ang existence niya sa mundo. Anu pa kaya ang umiiral na batas sa cosmos, para mabalanse ang lahat ng buhay na lumitaw sa universe. Di kaya ang batas natin na mapaganda at mapatatag ang human existence, ay originally nanggaling sa isang supreme intelligence na siyang may akda ng lahat na ito?
METAPHYSICAL MEANING OF LIFE:
Mulang tumibok ang universe, sa walang hanggang kalawakan, ang buhay ay nagsimula. Hanggang sa lumawak ang kanyang nasasakupan. Kung saan ang buhay ay ating makikita kung palalalimin ang pananaw ng ating pang-unawa. Sapagkat ang anu mang bagay sa universe, gumagalaw man ito o hindi, nakikita man ito o hindi, masasabing siyaý may buhay. Kaya nga ang mga lugar na tinuturing na hindi pweding pagmulan ng buhay ay makikitang may mahiwagang energy na nananalaytay. Ito ngayon ang dahilan kung bakit nagugulo ang mga scientist. Tulad nang nakikita nila sa rings of saturn, at sa mga moons nito, at ang pormation nang pagbubuo ng mga planeta sa ibang bahagi ng kalawakan.
Dito ating makikita na maging ang universe ay may taglay na buhay sa ibang level nga lamang. Maging ang mundo at mother nature ay makikitang may sariling buhay. At dahil itoý may buhay, siyaý tumatanda patungo sa pagka-decay. Kaya ipinapakita lamang dito na mahalaga ang buhay. Na siyang dahilan kung bakit ang taoý nag-evolvo physically, mentally, at spiritually. Para kung papanu ang universe (may good at bad energies) ay may sariling buhay, ang taoý kabahagi sa pag-sustain nito. Tulad rin ito ng mga bacteria (bad or good) sa katawan natin na kailangan, para magpatuloy ang buhay. Kaya tunay na MAHALAGA at MAKAHULUGAN ang buhay para ma-balance ang paglalang ng Dios.
ANG REAL AT ILLUSION NA PAGMALAS SA BUHAY:
Ang taong sobrang magpahalaga sa sarili ay malinaw nating makikitang wala sa balanseng buhay at kaisipan. Ang lahat na aktibidad ng kanyang buhay ay nakatuon lamang sa pagiging narcistic. Kaya dito siya tuluyang nilalagom ng kanyang masalimuot na emosyon. Dahil dito, bumabaling siya sa pagiging egocentric. At sa nangyayaring imbalance ng kayang personalidad, ‘di niya ngayon makita ang realidad ng buhay. Ito ang sanhi kung bakit madali siyang pasukin ng mga negativong kaisipan. Kaya inyong makikita na kahit sila’y masaya, malungkot pa rin ang kanyang reflexion.
PA’NO MAKIKITA ANG REALIDAD NG BUHAY
Sangayon sa science, ang utak ng tao’y nahahati sa dalawang hemisphere. Ang right hemisphere at left hemisphere, kung saan naruruon ang prefrotal region. Na siyang responsible sa emosyon ng isang tao.
Ngayon, kung anung hemisphere ng brain ang nag-didikta sa kanya, ito ang takbo ng kayang emosyon. At sangayon sa science, ang mga taong aktibo ang right prefrontal cortex ay madaling mahila sa mga negativong pananaw sa buhay. Di tulad ng mga taong left prefrontal cortex ang activo. Sila’y may maliwanag na pananaw sa buhay. kung saan kung kanilang palalaguin kanilang makikita ang REALIDAD NG BUHAY. Na sangayon sa pagpapatunay ng sciencia ay nade-develop sa pamamagitan ng meditation. Na dapat linangin ng isang tao, kahit siya’y nag-memeditate. Upang ganap niyang matuklasan ang Kahulugan ng Buhay. At siya’y co-worker ng Dios, para sa pag-maintain ng kalikasan, na siyang magdadala sa kanya sa walang kahulilip na kaluwalhatian. Ang tunay na kaligayahang hindi matatagpuan sa kinang ng material na kapaligiran.
LIVING UNIVERSE
Sangayon sa science ang lahat na atomic elements na nasa universe ay siya ding naging composition ng katawan ng tao. Kaya masasabing kung meron macrocosm (ang malaking universe) ay meron din microcosm, - ang inner universe na nasa loob ng ating katawan. Kaya kung ang universe (macrocosm) ay may buhay, ganun ‘din ang microcosm, na walang pinag-iba sa pattern at atomic structure ng macrocosm. Malinaw ang dalawang ito’y inter-connected sa isa’t-isa, sa malalim na kahulogan ng buhay.
Kaya kung inyong papansinin ang mga naganap nuon sa mundo, nang wala pang tao, maraming matinding delubyo ang naganap. Nang ang tao’y nagsimula ng mag-hari sa daigdig, ang mga pangyayaring ito’y unti-unting nag-bago. Dahil na rin sa kaisipan ng tao na namulat na may higher mind na tinawag niyang Dios.
Ngunit sa panahong ito ng materialismo, malaganap ang kawalan ng pananampalataya ng tao sa Dios. At yaong mga sinasabing naniniwala’y makikitang naniniwala sa pangalan lamang. Ito ang malinaw na sanhi, sa likod nang mga nagaganap na matitinding calamidad na nagpapakita ng global warming sa sangkatauhan. Na nagaganap dahil sa kawalang harmonious relation natin sa mother nature.
No comments:
Post a Comment